Sisimulan ko ang tulang ito sa kung,
“Paano nagsimula ang lahat?”
Isang tanong na isa lang ang kasagutan,
“Sa simpleng pagkakakilala”
At susundan ng nag-uunahang alaala ng ating nakaraan.
Hindi ko alam kung sinadya, aksidente o tinadhana,
ang pagkukrus ng ating mga landas.
Ang pagtatagpo sa isang daang di natin parehong gamay.
Hindi alam sa kung saan ang tungo o kung ano ang dapat gawin.
Kung dapat ba tayong sabay maglakbay o lagpasan lang ang isa’t-isa.
“Bakit nga ba ikaw?”
Sapat na bang rason na sa dinamidami ng tao sa mundo ay sa’yo ko lang gustong ituon ang paningin ko.
Kung hindi, maaari ko bang isagot na sa’yo lang bumibilis ang pintig ng aking puso?
At kung hindi pa rin, tatanggapin mo bang “basta, hindi ko alam”?
Siguro nagkakilala tayo para lang magkakilala.
Para alamin ang pangalan, edad, tirahan.
Makilala ang buo mong pamilya.
Maging magkaibigan…lang.
Hindi tayo pinagtagpo para mabuhay para sa isa’t-isa.
Hindi para bumuo ng pamilya.
Hindi para magmahalan.
Hindi para maging akin.
Nagtagpo tayo para lang ipaalala na marami pa tayong makilala sa ating paglalakbay.
Na ang isang tulad ko ay magiging isang payak na parte lang ng buhay mo.
Maaaring madaling malimutan pagdating ng panahon.
At merong isang Ikaw at isang Ako sa mundong ito pero walang tayo.
(Photo credits here)
Sad poem. π
LikeLiked by 1 person
Sad ba doc? Pero ung emoticon mo smiley… Hahaha
LikeLiked by 1 person
Yeah smiley talaga yun.haha para balance.LOL!
LikeLike
Feels. Esp yung part na merong isang ikaw, merong isang ako pero walang tayo. Ganda…
LikeLiked by 1 person
Thanks Pres.
LikeLiked by 1 person
Ngayon ko lang napansin na Nov 1 pala ito nakapublish. HAHAHA. Araw ng mga patay na patay sa kung kaninuman. Nurse A!!! Mag-spoken word ka na pambihiraaaaaa.
LikeLiked by 1 person
Nakakatuwa ang mga comment mo Madam. πππ Darating din ang time na magspoken poetry ako, hindi pa lang siguro ngayon…. baka bukas. Lol
LikeLiked by 1 person
Oo kasi gabi na. Bukas na.
LikeLike