GOODBYE 2016, HELLO 2017! (A year-ender blog post)

Maraming nangyari sa loob ng isang taon. Mga bagong kaibigan na nakilala, mga lugar na narating sa unang pagkakataon, at mga kaganapan na hindi inaasahan at ikakagulat na lang dahil tatak pala sa buhay ko.

Sabi nga ni Kath, halos lahat ng tao nagiging writer sa pagtatapos ng taon. Ikinwento sa mundo ang nangyari sa isang taon at mga hinahangad at ipinapangako sa darating na taon. Dahil dito, hindi ako nagpahuli. Uso naman kaya walang kokontra. LOL.

Kaya ito na, simulan na ang pagbasa.

 

JANUARY – naranasan ko muling  salubungin ang bagong taon kasama ang mga mahal ko sa buhay. Matapos ang mahigit dalawang taon kong pamamalagi sa Gitnang Silangan, muli kong nalanghap ang amoy ng paputok , gawin ang mga tradisyon tuwing Bagong Taon, atbp.

Also, I had the chance to explore the hidden beauty of Sampaguita, Bauan, Batangas. Nakita ko ang future vacation house namin ni Enrique Gil. Chos lang.

FEBRUARY – nag-celebrate muli ng Valentine’s Day mag-isa for the nth time. LOL.

Nagkaroon ng mini reunion ang mga kasama ko dati sa trabaho (Queen Mary Hospital). Nagsama-sama kaming muli matapos ang ilang taong di pagkikita sa kadahilanang naging busy sa career sa ibang parte ng bansa at mundo. Sa Villa del Prado (Sariaya, Quezon) namin napagpasyahan na mag-get together para malayo naman sa hometown namin which is Ibaan. Hindi kami nagpatinag sa ulan kundi ay nag-enjoy lang sa paglangoy at pagtatampisaw sa dagat. Kanya-kanyang throwback stories ang pumainlanlang sa magdamag kasama pa ang malakas na tawanan dahil na rin siguro sa kaunting alak (konti lang po talaga. Promise. )

 

MARCH – nagcelebrate ng birthday ni MAMA na sobra kong namiss for years.

Nagkaroon din ng Philippine Singles Association (PSA) bonding sa Laiya, Batangas. Hindi na “drawing” ang plano namin sa wakas, kahit apat lang kami. First time ko na masaksihan ang loveteam na nabuo sa aming grupo, ang #MarLani. Masaya akong nakilala sila Doc Eamer, Marts at Lani; at nagkachikahan kami about life though mas may moment talaga ang loveteam. LOL. Dito nawala ang tsinelas ni Marts sa may dalampasigan kaya napabili sya nang wala sa oras (smaller sa size nya kasi wala ng ibang available). Hahaha. Tapos iniwan kami ni Doc Eamer habang nag-eenjoy kami sa pag-swimming. Ayun lang.

 

APRIL – parang walang masyadong ganap this month. Nagswimming lang ata kami dyan lang sa tabi-tabi. LOL

MAY – bonding ulit with my former co-workers from KSA. This time sa SM MOA naman ang hadahan.

JUNE – my birthday month. Nagdiwang ako in a simple way but with the best family. dsc_0010

JULY – more on roadtrips ang nangyari this month. Nakarating ako ng Pampanga nang ilang beses. Pagkatapos nagpunta ng Tagaytay at nakapasok sa Skyranch sa unang pagkakataon. Dati kasi lagi lang namin dinadaanan at kuntento na sa mga pagtanaw-tanaw. dsc_0198

AUGUST – birthday celebration ni brother.

SEPTEMBER – 2015 nang ma-inlove ako sa spoken poetry because of Juan Miguel Severo. And sa buwang ito, narinig at nakita ko syang magperform kasama sina Louise Meets at M Manese. Salamat at napadpad sila dito sa Batangas kung hindi, baka wala nang ibang chance. Hehehe. Kaya sumugod agad kami ni B2 (Klawi) sa suking tindahan, ay mali pala,nagpareserve agad kami ng ticket and voila napanood na namin sila nang live.photo-dec-31-10-21-03-pm

Bonding ulit with my former QMH family, this time, yung mga friends ko na bagong dating from KSA namely Hazel and Crislyn. Nilibot namin ang Sta. Rosa, Laguna mostly sa Nuvali, Paseo then sa Enchanted Kingdom. Tinry lahat ng rides gaano man ito ka-extreme kahit magkandahilo-hilo at suka na kami.

Nagpunta din ako kasama naman ang aking pamilya sa Malabrigo, Lobo, Batangas. Picture taking ang peg namin with the Malabrigo Lighthouse, sinulit ang time na yon tutal isa ito sa dalawang lighthouse sa Batangas. Seize the moment kumbaga.

OCTOBER – wala na ako maalala mga bhe.

NOVEMBER – nanganak yung aso namin. #MemaLang

DECEMBER – Another PSA meet up happened and this time it’s the biggest and grandest. Charot. 7 kami pero ito na talaga ang pinakamadaming members na nagkitakita. Nag-“fieldtrip” kami sa Antipolo, Rizal. Pinuntahan ang pamosong Pinto Art Museum. Ninamnam ang galing sa sining ng mga pinoy. Pagkatapos ay nagtuloy kami sa Cloud 9 Hotel and Resorts para magdinner at masaksihan ang papalubog na araw. Bongga. Hindi ko malilimutan ang unang conversation namin ni Genny sa may McDo na nag-umpisa sa “Ate, pwede makiupo?” not knowing na kami pala ang naghihintayan. Malay ko ba. First time magmeet e. Bagong member kasi siya sa PSA together with Kath at sa group chat lang sa messenger ang mode of communication namin. #ExplainPaMore

Another thing is dumating yung inorder kong signed book ni Ricky Lee entitled “Kung Alam N’yo Lang”. Yung lang. hahaha.img_1544

This is the month of the year wherein we are all given the chance to cherish the things that happened from the start of 2016 till the last day of it. Para sa pagtatapos ng taong ito pati ng blog post na to, iiwanan ko kayo ng isang paalala, “iwasan ang magpaputok para di mabawasan ang mga kamay o ng kung anumang bahagi ng katawan”. LOL. Iwanan natin ang mga bagay na nakasakit sa atin noong 2016 at buksan ang mga mata pati ang puso para sa bagong mga pangyayari at makikilala.  Let’s all start 2017 with joy. Hindi na ako mangangako ng anuman. Basta enjoy na lang at tatanggapin ang anuman at sinumang darating. All I want is strength to face all the hardships that’ll come.

Happy New Year Everyone!

 

Featured image credit here

Advertisements

Pagsuko


Umasa ako sa pagbabago — ng damdamin, ng puso, ng pag-iisip.

Ilang taon mula nang maisipan kong magpakatanga sa’yo — para sa atin, para sa isang tayo.

Na merong ako at ikaw na magkasama, 

Yung magtatagal, yung pang walang hanggan.

Sumugal ako nang walang kasiguraduhan.

Nagmahal sa di malamang dahilan.

At nasaktan sa maraming rason na di ko alam ang ipinaglalaban.

Marahil ang aking mga mata’y bulag na sa magdamag na pag-agos ng mga luha,

O ako’y bingi na sa lakas nang pagtibok ng aking puso ‘pag ika’y papalapit na.

At ang aking mga kamay na minsang ginagamit na pandama ay manhid na dulot nang pagkakagapos nito sa ating nakaraan.

Maging ang aking mga paa, na ginamit ko para makatayo at makausad ay napagod na sa pagtakbo para habulin ka.

Itong utak ko, na syang inaasahan ko sa mga simpleng tanong at noo’y walang mintis sa pagbibigay sa akin ng solusyon, pero ngayon ay palyado na. At ang tangi na lamang iniisip ay “ikaw ay laging makasama”.

Sa ngayon, tanging puso ko na lamang ang aking inaasahan ngunit alam kong sandali na lamang at ito’y mapapagod na.

Ito na lamang ang gumagawa sa lahat — ang tumibok, ang makarinig, makakita, makadama, tumayo, lumaban, mag-isip at magmahal.

Malapit na ang katapusan ng ating kwentong kailanma’y di nagsimula.

Tanaw ko na ang bandera ng aking pagsuko.

Ramdam ko na ang nalalapit kong pagbitaw sa pag-asang magkakaroon ng ikaw at ako sa isang tayo, at hindi lang ng isang ikaw o isang ako na magkahiwalay at magkalayo.
(Photo credit: https://goo.gl/images/ntCiq6)

Isang Bukas na Liham Para sa aking Ama


Pa, alam ko nasa mabuti kang kalagayan at masaya ka ngayon pero hayaan mo akong kamustahin ka. Sa halos apat na taon kasi nating pinagsamahan ay di ko man lang ata inalala ang kalagayan mo noon. Kaya Pa, kamusta ka na?

Dalawampu’t-tatlong taon na ang nakalilipas mula noong iwan mo kami. At sa bawat taon na nagdaan ay unti-unti na ring nawawala sa alaala ko ng itsura mo. Tanging luma at kupas na larawan mo na lang ang basehan ko sa pag-alaala ng mga ngiti mo. At mga kwento ni Mama, mga kamag-anak at kaibigan mo ang nagpapaalala sa akin ng buhay mo noon. Minsan naiisip ko, ano kaya ang mangyayari kung kasama ka pa rin namin hanggang ngayon? May magbabago kaya? Siguro oo, at sobrang laki ng pagkakaiba.

Alam mo ba Pa, nakakahiya man aminin pero halos wala na talaga akong maalala tungkol sa’yo. Kahit alam ko ang petsa ng kaarawan mo ay walang selebrasyong nangyayari. Unti-unti kang nawawala sa sistema ko at yun ang kinatatakot ko. Na saka lang kita naalala sa tuwing sasapit ang “Father’s Day” kung saan makikita ko sa social media ang mga kaibigan ko na binabati ang kani-kanilang mga tatay. Nakakainggit lang. Mapapatanong na lang ako, “ano kaya ang pakiramdam nang may tatay na kasama mo sa paglaki at pagtanda?”, kasi sa totoo lang, ako — limot ko na.

Papa, natatakot ako na baka ang laging panalangin ko sa Ama, na kahit sa panaginip ay ika’y makasama ay biglang magkatotoo. Na baka nakasalubong na kita nang hindi ko napapansin o baka nasa harapan na kita at nakangiti pero ako itong kuno’t-noong nakatitig lang sa’yo at pilit kang inaalala. Pa, kung mangyari man yon sana wag kang malungkot o lumayo. Sabihin mo lang sa akin na ikaw yon ay dali-dali kitang yayakapin nang walang pag-aalinlangan.

Minsan gusto kong magalit sa ‘yo dahil sa sitwasyon natin ngayon pero ano bang karapatan ko diba? Mas un aka Nyang naging anak kesa maging asawa at ama sa amin. Dumarating sap unto na kinaiinisan ko ang sarili ko dahil imbes na masayang alaala natin ang maalala ko ay yung pang pinaka-ayaw kong memorya mo ang laging dumudungaw at pilit lumalabas sa utak ko sa tuwing naririnig ko ang salitang “Tatay”. Alam mo ba kung ano yon Papa? Yun ang araw na binalita sa amin na wala kana. Bawat detalye ng senaryong iyon ang nagsusumigaw sa utak ko. Imbes na ngiti at yakap ang alalahanin ko ay tila isang akto sa isang pelikula ang naiisip ko.

“Isang umaga may dumating na isang dalaga pugto ang mga mata sa pag-iyak ang pumasok sa may pintuan sa may sala. Pilit pinipigilan ang nagbabadyang mga luha sa kanilang pagpatak. May ilang tao ang naroon kasama na ang isang ginang katabi ang kanyang anak na babae. Gulat sila sa pagdating ng dalaga na nasa ganong ayos. Tila may mali, may iba at may malaking binabagabag. Hanggang sa binalita na ng dalaga ang pagpanaw ng esposo ng ginang. Pagkatapos noon mababakas sa mukha ng ginang halo-halong emosyon. Gulat, lungkot at di paniniwala sa mga nangyari. Umalingawngaw sa munting silid ang mga tangis at pumatak ang mga luhang kanina pa sumusisilip. Pero may isang tao roon ang di alam kung ano ang nangyayari. Kung bakit may umiiyak, bakit lahat ay malungkot. Mga tanong na nasagot lamang noong sya’y nagkaisip at tumanda. At ang taong yun ay ang batang anak ng ginang — na walang iba kundi ako.”

Pa, alam mo ba sabi ng mga kaibigan ko, kung mag-aasawa daw sila ay gusto nilang makapangasawa ng katulad ng mga tatay nila. Syempre ako, wala akong makasagot. Hindi ako makasang-ayon o makataliwas sa opinyon nila kasi halos di ko naman na-experience diba? Pero ngayon naisip kong sumang-ayon. Bakit? Dahil alam kong sobra kang magmahal sa iyong pamilya lalo na kay Mama kahit sa maikling panahon lang kayong nagsama. Napatunayan ko ito dahil sa loob ng mahigit dalawang dekada ay hindi sya umibig ng iba.

Siguro walang humigit o pumantay man lang sa’yo pagdating sa pagmamahal sa kanya. At siguro wala na ring mas gagwapo pa sa’yo. At dahil magkamukha daw tayo ay maganda naman ako. Naks, naman. Like father like daughter lang ang peg natin. Lol. Siguro kung nabubuhay ka pa ay ang tanging hiling mo ay tulad rin ng sa ibang mga ama, ang maihatid sa altar at ibigay ang kamay ng kanilang anak sa lalaking magpapatuloy ng iyong nasimulan. Hindi mo man ma-experience yung ganon ay sisiguraduhin kong makahanap ng tulad mo na sobrang magmahal pero sana naman wag yung kukunin agad ni Lord. Hehehe.
Papa, kinuha ka man agad ng Ama sa amin ay nagpapasalamat pa rin ako kasi ikaw yung naging tatay ko. Kayo kasi ang kinasangkapan Nya para mabuhay ako dito sa mundo. Salamat sa halos apat na taong pag-aalaga, pagtataguyod at pagmamahal sa amin. Kung di ko man maalala lahat ay pasensya na. Buti na lang nauso na ang camera noon kaya pwede kong balikan ang mga munting alaala nating magkasama sa mga litratong pinaglumaan na ng panahon.

Kung bigyan man ako ng pagkakataon na pumili ng magiging tatay ay di ako magdadalawang-isip na ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Ang tanging hiling ko lang ay mahabang buhay para sa’yo para hindi na ako aasa sa mga lumang litrato upang makaalala. Pero kung hindi ako mapagbigyan ay okay na din. Siguro susulitin ko na lang ang tatlong taon at sampung buwan nating pagsasama. Ipapadama ko sa’yo kung magmahal ang isang anak sa kanyang ama na alam kong matagal mo na ring ninanais. Hindi lang larawan ang maiipon natin sa panahong iyon kundi mga matatamis na alaala na kailanman ay di ko malilimutan at siguradong tatak sa aking puso at isipan.
Mahal na mahal kita Papa at alam kong mahal mo rin kami. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Nagmamahal,
M
(Photo credit here)

#hugot 1- (dapithapon)


Dapithapon noon, tapos na ang trabaho sa mga opisina kaya maraming tao sa kalsada. Nag-uunahan para makauwi sa kani-kanilang mga tahanan. Amoy ng usok na dulot ng mga sasakyan at mga pabrikang nakapaligid, kasama na ang amoy ng pawis sa katawan dulot ng maghapong paggawa. Lahat ay nagmamadali, lalo na’t kasabay ng papalubog na araw ay ang nagbabadyang pag-ulan. Hindi alintana ng mga tao ang pagkakadikit-dikit ng mga balikat at pagkikiskisan ng mga balat basta makarating sa kanilang paroroonan.
Ngunit di tulad nang mabilis na paggalaw ng mundo noong araw at oras na iyon, may isang babaeng nakatayo lang sa may kanto. Hindi mo sya kakikitaan ng anumang pagod sa kanyang mukha. Makikita sa kanyang mga mata ang pananabik at saya. May ngiti sa kanyang labi habang hawak-hawak at minsana’y sinusulyapanng isang maliit na papel sa kanyang kanang kamay. Tila wala syang pakialam sa kahit ano at pawang ang kapirasong papel lang ang pinaka importanteng bagay sa mundo. 
Unti-unting pumatak ang ulan. Ang mga tao’y nagtakbuhan sa iba’t-ibang direksyon para makasilong sa mga establishimentong naroon. Sa kabila nang mabilis na pagkilos ng paligid ay kapansin-pansin ang babae doon sa may kanto. Nakatayo lang at di gumagalaw. Nawala ang mga ngiti sa kanyang labi at ningning sa kanyang mga mata. Nakatingin sya kawalan habang hawak sa kanang kamay ang papel na ngayo’y unti-unti nang nababasa at wari ko baga’y maya-maya’y bigla na lang mawawala dahil sa pagkalusaw. Habang sa kaliwang kamay naman nya’y naroon ang kanyang aparatong gamit pantawag na sa sobrang higpit ng pagkakahawak ay nakikita na ang kanyang ugat sa kamay. Ang kanina’y masigla nyang pangangatawan ay biglang tila lugmok sa sakit at kahirapan. Kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin ay ang pagtaas-baba ng kanyang balikat na tila naghahabol nang paghinga. Kasabay nang pagbagsak ng malakas na ulan ay ang pagtulo ng nag-uumapaw na mga luha sa kanyang mata. At kasabay ng pagkulog at pagkidlat ay ang kanyang tahimik na pagtangis at paghikbi sa may kantong iyon.
Walang sinuman ang naglakas loob na lumapit. Ang mga tao sa paligid ay walang pakialam sa isang babaeng sa kanto’y mas ginustong tumangis at magpakabasa sa ulan. Tatapunan lang nila ng isang tingin at dali-dali nang lalampasan. 
Hindi ko inakala na sa kung anong ibinilis ng pagbabago ng panahon noong araw na iyon ay ganun din kabilis ang pagbabago ng isang emosyon. 

(Photo credit here)

LOVE IS BLOG (A Book Review)


Ang librong “Love is BLOG” ay sinulat ni Joseph A. Pagtananan o mas kilala bilang Doc Eamer sa blogosphere.

Anong meron sa librong ito?

Una kong napansin sa librong ito ay yung foreword, kung saan sinulat umano ni “The Future Wife”. Ang astig, di ba? Napaka- futuristic. 


Sunod ay ang pagsisimula ng pahina sa 143, hindi halatang in love si author. Peace Doc.


Kapansin pansin din ang paghahati sa love story nina Pepito at Hannah, at paglalagay ng iba’t-ibang blog posts/ advices sa pagitan ng bawat parte ng istorya. May “pabitin” effect kumbaga. Pero dahil halos nabasa ko na yung mga blog post ni Doc online ay tinutuloy-tuloy ko muna yung istorya bago basahin ang mga nasa pagitan nitong mga advices.

Tiyak kong magugustuhan ito ng mga kabataan at mga single sa kadahilanang, hindi lang sila kikiligin sa istorya nina Peps at Hannah kundi, marami rin silang kapupulutang aral at maiinspire sila sa mga bible verses na tugma sa  bawat topic. 

‘Pag nabasa ito ng sinuman, siguradong papangarapin nilang makatagpo ng isang Pepito o Hannah sa kanilang buhay at masasabi na lang nila sa sarili nilang “Love is Believing in the Love  Of God”.



PS. Kung gusto nyong bumili ng book ni Doc, don’t hesitate to comment or message him sa page nya. May kasamang dedication yung book kapag bumili kayo. Hahaha 

Once in our life, we have to experience foolishness in our life. Through this, we learn how to avoid another mistake or have any regrets in the future. Foolishness should be done once for a certain situation, for we won’t have a masters or doctorate degree in repeating it a couple of times.